MAY MABIBINYAGAN ANG TIKAS SA PREMIER VOLLEY
- BULGAR

- Aug 14, 2019
- 1 min read

KAPWA pupuntiryahin ng mga opening day winners BanKo Perlas at reigning champion Creamline ang ikalawang sunod nilang panalo sa kanilang muling pagsalang sa magkahiwalay na laro ngayong hapon, habang mabibistahan na rin ang tikas ng bagong koponang Choco Mucho sa pagpapatuloy ng PVL Season 3 Open Conference ngayong hapon sa FilOil Flying V Center.
Unang sasabak ang Flying Titans sa pambungad na laro ng nakatakdang triple bill kontra BaliPure ng 2 p.m. Susundan sila ng Cool Smashers na sasagupain ang Motolite ng 4 p.m. bago ang salpukan ng Perlas Spikers at Air Force sa ganap na 6 p.m.
Pinayukod ng Creamline ang Lady Jet Spikers sa pamumuno nina Michele Gumabao at Alyssa Valdez noong Sabado sa loob ng straight sets, 25-23, 25-20, 25-15 habang sumadsad sa kamay ng Perlas Spikers na pinangunahan nina Dzi Gervacio at Nicole Tiamzon ang Reinforced titlist PetroGazz, 25-20, 11-25, 25-21, 25-18.
Mauuna rito, bibinyagan ng koponang BaliPure ang baguhang Choco Mucho. Tiyak na aabangan ng lahat sa laro ang nagbabalik na volleyball legend at dating UAAP MVP na si Manilla Santos.
Maliban kay Santos, tiyak na aantabayanan ang tatlong dating pambatong mga manlalaro ng reigning UAAP champion Ateneo de Manila na sina Bea de Leon, Maddie Madayag at Kat Tolentino para sa Choco Mucho na gagabayan ni Lady Eagles coach Oliver Almadro. (VA)





Comments