Kahit singit lang sa love team nila ni Daniel… JIN, IPINAGSIGAWANG SI KATHRYN ANG GUSTO MAKASAMA SA
- BULGAR

- Aug 14, 2019
- 2 min read

NAKAPANAYAM namin si Jin Macapagal after winning the first BidaMan title at aniya’y hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang nanalo. Subali’t sa buong journey ng BidaMan contest, sinikap niyang magtagumpay.
“Ito na po siguro ‘yung start, matutupad na ang mga pangarap ko at talagang pinaghirapan ko siya, ibinigay ko ‘yung oras at best ko. Noong time na in-announce ‘yung winner, hindi ko na napigilan ang emotions ko. Eto na ‘yun, eh,” bungad ni Jin nu’ng makapanayam namin pagkatapos maging first Ultimate BidaMan winner ng It’s Showtime last August 10 (Saturday).
Nanghihinayang si Jin na wala sa kanyang tabi ang ina para ialay ang nasabing karangalan. Nakabase sa Amerika ang kanyang ina at umuwi lang ito sa ‘Pinas para saksihan sana ang journey ng anak bilang BidaMan contestant.
“Nandito ang mom ko two weeks before the finals. Akala niya, mag-i-extend pa siya until finals (August 10). Hindi na siya nakapag-extend and she had to leave.
“By this time, alam kong alam na niya ang naging tagumpay ko. Ginawa ko ‘to para sa mom ko. I hope I made her proud,” pahayag ni Jin.
Sa blogcon ng BidaMan finals two days after, sina Jin at Eris Aragoza ang sinasabing pinakamatinding naglaban. In fact, sa botohan among 20 hopefuls, silang dalawa ni Jin ang may pinakamaraming boto.
Nagpapasalamat daw siya sa suporta ng co-candidates, “Kasi ako, ilang beses nang pinanghinaan, kasi sa sobrang intense ng pressure. Sa personality ko, parang hindi ko kayang kalabanin sila na itinuring ko nang friends ko. Napalapit na kasi sila sa akin, eh.
“I’m just so thankful for this experience and this is the moment I won’t forget at sobrang thankful po ako sa lahat ng bumubuo ng Showtime, at sa ABS-CBN,” sabi ni Jin.
Bilang BidaMan winner, isa sa mga premyong napanalunan niya ay ang pagiging artista sa ilang serye ng Kapamilya bukod sa pag-anunsiyo ni Vice Ganda na makakasama siya sa MMFF entry nito sa December.
“Gusto ko na po sanang mag-work pero gusto ko munang i-improve ang acting ko,” aniya.
Magwo-workshop daw muna siya bago tuluyang mapanood sa TV.
“I don’t want to disappoint people who trusted me kaya pagbubutihan ko pa na ipapakita ko sa kanila na deserving akong manalo,” aniya pa.
Kung siya raw ang pipili ng leading lady for a project na pagbibidahan niya, si Kathryn Bernardo ang gusto niya.
“Maganda siya, marunong umarte at I know she’s a genuine person.”
Kaya ba niyang maging third party if ever sa tambalang KathNiel?
“Okay naman po, I think that’s a challenge and it’s something I want to do.”
Bilang BidaMan winner, tumanggap si Jin ng P1M, brand new pick-up car, Kapamilya management contract at house and lot.
Ano ang gagawin niya sa house and lot? Ibebenta o titirhan?
“Ewan ko po, hindi ko pa nakikita ‘yung house and lot, pero ‘yung P1M, iko-consult ko pa sa family ko. Tungkol sa bahay, gusto ko pong tirhan, kasi gusto ko rin sanang magkakasama kami ng family ko,” ani Jin who hails from Cebu.
“Kasi, hiwa-hiwalay kami ng family ko. ‘Yung brothers ko, nasa Cebu, pero ‘yung dad ko, nasa Manila.”





Comments