top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Iwas-aksidente na, iwas-sakit pa | Dagdag-buwis sa alak, aprub!

  • Ryan B. Sison
  • Aug 14, 2019
  • 2 min read

AKSIDENTE sa kalsada, masayang inu­man na nauuwi sa sakitan dahil sa kalasingan at pagkakapikunan na nagiging dahilan ng away — ilan lamang ang mga ito sa mga epek­to ng alak kapag inilalagay ito sa utak imbes na sa tiyan.

Ayon sa mga awtoridad, pagmamaneho nang lasing ang pangkaraniwang dahilan ng aksidente sa kalsada.

Kaugnay nito, lusot na sa House Commit­tee on Ways and Means ang panukalang-ba­tas na nagtataas sa excise tax rates ng alcoho­lic drinks sa bansa.

Nakasaad sa ipinasang panukala na ita­taas sa P6.60 ang excise tax sa mga nakalala­sing na inumin kumpara sa kung ano ang ipinatupad sa ilalim ng Republic Act 10531 o Excise Tax Reform Law on Tobacco and Alco­hol.

Kapag naging ganap na itong batas, mag­kakaroon ng ad valorem rate na 22% kabilang ang specific tax rates per proof liter ng P30, P35, P40 at P45.

Sa kasalukuyang RA 10351, ang mga alak ay mayroong P22.40 specific tax at ad valo­rem tax na 20%, gayundin, aprub ang P650 unitary rate para sa sparkling wines.

Samantala, itinaas sa P2.10 ang buwis sa mga still at carbonated wine habang ang may alcohol content na mas mataas sa 14% ay may P4.10 na pagtaas.

Kung patuloy na itataas ang excise tax sa nakalalasing na inumin, maaaring bumaba ang porsiyento ng mga makakabili nito, ga­yundin, mababawasan ang mga nagkakasa­kit sa atay at lapay dahil sa labis na pag-inom.

Bagama’t, may ilan pa rin ang tatangki­lik, malaking tulong ito sa gobyerno dahil mada­ragdagan ang pondo ng Universal Health Care ng pamahalaan.

Kaya ang panawagan sa mga bagong mam­babatas, pagtuunan ng pansin ang naturang panukala dahil maituturing itong ‘win-win solution’ para sa mamamayan at gobyerno.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page