top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

36 NA KINASUHAN NG SEDISYON, SUPORTADO NG MGA TAGA-SIMBAHAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2019
  • 2 min read

NOONG Biyernes, ika-9 ng Agosto, sinimulan ng Department of Justice ang preliminary investigation sa 36 mamamayan na naakusahan ng sedisyon.

Hindi lahat ng akusado ay dumalo dahil maaaring humarap ang kani-kanilang abogado. Ang ilan sa mga abogado ay naghain ng ‘counter-affidavit’ habang ang ilan ay naghain ng ‘motion for extension’ para makahingi pa ng panahon na pag-aralan ang kaso at paghandaan ang kanilang counter-affidavit.

Sa maliit na sala ng DOJ, maraming abogado kaysa sa mga akusado. Tiningnan natin ang mga abogado at bumalik sa ating kamalayan ang mga nangyayari sa Hong Kong sa mga nagdaang araw. Nabanggit natin sa katabing abogado ang kagitingan ng mga abogadong taga-Hong Kong sa kanilang pagsasama-sama upang magprotesta laban sa nagaganap na panggigipit sa mga nagpoprotesta sa naturang “Extradition Bill.”

Hindi kalayuan sa ating bansa ang munting Hong Kong na katabi ang dambuhalang Tsina. Matagal nang lumalaban ang Hong Kong sa mga diumano’y kalabisan ng Tsina. Kamakailan, nagsimula ang matitinding protesta laban sa naturang “Extradition Bill” na nagtatangkang payagang malitis sinuman sa mamamayan ng Hong Kong sa Tsina. Nilabanan ito ng mamamayan, sunud-sunod na protesta ang kanilang tugon.

Noong nakaraang araw, nagkaroon ng martsa ang libu-libong abogado sa Hong Kong upang iprotesta ang namumuong “political persecution.”

Narito ang pahayag ng ilang prominenteng abogado at miyembro ng parlamento ng Hong Kong… “It has never happened before. It is clear that there is a departure from normal principles and guidelines. An important department, the Department of Justice, the word justice… you require the department always to stick to procedures, principles and due process.”

“We are here to protect the rule of law. The rule of law means we are all equal before the law.”

“We are going to say no to the political persecution.”

“People wearing white beating up people is not charged yet. This is selective prosecution.”

Maingay sa labas ng DOJ, maraming madre, ermano at laykong-Katoliko ang nagtipun-tipon upang suportahan ang mga mamamayang kinasuhan ng sedisyon. Malakas ang kanilang tinig. Naririnig natin ito tuwing mayroong pumapasok sa silid na pinagdarausan ng preliminary investigation.

Kumikilos ang mga abogado, kalmadong humaharap sa proseso ng preliminary investigation ang mga akusado at nagpoprotesta ang mamamayan. Harinawa’y magpatuloy ito at panatilihing buhay ang Rule of Law at ang hustisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page