top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

2020 BUDGET, NILULUTO; NANGANGAMOY 'NAPOLES SCAM'

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2019
  • 2 min read

INAAPURA na ang 2020 National Budget.

Magkano po?

◘◘◘

NASIRA ang ekonomiya nang matengga ang badyet ngayong 2019.

Ang problema, ang pag-aayos ng badyet next year ay nasa mga kamay ng binansagang “Reyna ng Appro”!

◘◘◘

RETIRADO na ang ating “bida”, pero nagawa niyang makabalik sa Kamara bilang “consultant”.

Hindi lang ‘yan, nairekomenda niya ang kan­yang pamangkin para hawakan ang kontro­bersiyal na “pork barrel” at ang nakatatakam na “DPWH budget!

◘◘◘

SINASABING napuwersang ibalik ang “reyna”, dahil hindi niya isinalin nang maayos sa kanyang makakapalit ang pro­seso at koordinasyon sa mga kongresista.

Na-hostage niya ang “sikreto” sa paglalaan ng pondo kaya nanatili ang kanyang kamandag sa Kamara!

◘◘◘

DATI-RATI ay dalawa katao ang may hawak sa “pork barrel” at DPWH budget ng mga kongresista.

Pero, ngayon, batay sa iskema ng “reyna”, isang tao na lang ang nag-aayos nito at walang iba kundi ang kanyang pamangkin na nakakorner sa position kahit kapos sa kuwalipikasyon!

◘◘◘

IMBES na mag-opisina sa tanggapan ng Committee on Appropriations ang magtiyahin, sila ang nag-aayos ng transaksiyon sa opisina ng kongresista.

Hindi ito normal na proseso kaya pinagdududahan kung ano ang kanilang “niluluto”!

◘◘◘

HINDI pa “nangangamoy ang nilulutong iskema”, pero kung makalulusot, maaaring ito ay maging bagong “Napoles scam”.

Isa sa ating mga bida ay palaging bumibiyahe abroad at ang ikalawa naman ay nakapagpatayo ng 3-storey residential building!

◘◘◘

ANG ‘bida’ ay hindi tauhan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez at incoming Speaker na si Lord Allan Velasco.

Anong bertud at mahika ang hawak ng ating ‘reyna’?

◘◘◘

NAGTATAKA ang ilan kung bakit sa opisina ng kongresista regular na nagre-report ang magtiyahin imbes na sa tanggapan ng Appropriations Committee para makatuwang ang iba pang kawani.

Anong “mina” mayroon sa naturang tanggapan at anong klase ng “silya” ang nasa mesa ni kong.?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page