top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Para hindi masayang ang pera at effort... MGA PAALALA PARA DEHINS MA-SCAM ONLINE

  • Ronalyn Reonico
  • Aug 13, 2019
  • 2 min read

SA panahon ngayon, madali na lang magtinda sa pamamagitan ng inter­net. Hindi na kailangang magbayad sa puwesto sa mga tiangge para maka­pagbenta ng mga damit. Hindi na rin kailangang magbayad sa mga adverti­sing medium para mai-promote ang paninda. Sabi nga ng tropa nating advertiser, blogger, copy­writer at creative director na si Paul Michael ng Lon­don, United Kingdom, ang buong mundo ay ka­yang-kaya na nating abu­tin gamit lang ang mga daliri natin. Siyempre, kapag open ka sa sellers at buyers, prone ka rin sa scammers.

Anu-ano nga ba ang mga dapat gawin para maiwasan ang online selling scams?

1. HUWAG TUMANG­GAP NG MALAKING HALAGA. Ayon kay Paul Michael, kailangang maging maingat pagdating sa cash transactions. Estilo ng mga scammer ang pagbabayad ng pekeng pera. Napaka­raming kumakalat na pe­keng P1,000 kaya dapat maging maingat tayo. Ayon sa Bang­ko Sentral ng Pilipinas, dapat ay magaspang ang pera ka­pag hinawakan. Makikita rin da­pat ang embossed prints, se­curity fibers, asymmet­rical serial numbers at see-through mark nito. Dapat ding makita ang “embedded security” thread kapag itinapat sa ilaw. Kaya, sey ni Alicia Adam­czyk, personal finance wri­ter, huwag tatanggap ng over­pay­ments o ‘yung kailangan pang suklian. Dagdag din ng Better Business Bureau (BBB), huwag tatanggap ng tseke.

2. MAKIPAGKITA SA PAMPUBLIKONG LUGAR. Ayon sa Advance Interactive Media Group, makabubuti kung sa pam­publikong lugar mo ibigay sa customer ang order niya, lalo na kung hindi mo ito kakilala. Sa panahong tala­mak ang kawatan, kailangan ang ibayong pag-iingat. Kung ayaw niyang maki­pag­kita sa public place, pu­wedeng sign na ‘yun ng red flag. Kung sila ang nagbigay ng address na pagdadalhan ng order, ayon kay Dawn Weinberger ng Money Wis­dom Blog, makatutulong ang pagsama ng mga kaibigan at ipaalam sa iba pang kakilala o kamag-anak ang pupun­tahan at detalye tungkol sa customer.

3. SIGURADUHING NAKAREKORD ANG MGA DETALYE NG PRO­DUKTO AT PRO­SESO NG PAG-DELI­VER. Isa sa mga dapat iwa­san ay ang mga kostumer na matapos bumili ng produkto ay biglang magsasauli pag­kalipas ng ilang araw o linggo sa kadahilanang hindi raw gumagana kaya manghihingi ng refund. Kaya ang advice ng copywriter na si Zack Rutherford, makatutulong ang accurate photos at vi­deos na kita ang serial num­bers ng mga ibinebenta bi­lang pruweba na maayos ang mga produkto. Kaya naman, ayon sa editor ng Complex UK na si Megan Munro, na­pakahalaga ng proof of de­livery kung saan mayroong tracking number at pirma ng buyer para maiwasan ang ganitong klase ng scam.

4. IWASAN ANG PA­KIKIPAGTRANSAK­SIYON SA BAGONG AC­COUNTS. Hindi lahat ng buyers na mayroong new accounts ay scammer, pero bilang pag-iingat, kilatising maigi ang customers, lodi!

5. GAWING DOKU­MEN­TADO ANG LA­HAT NG TRANSAK­SIYON. Bago i-ship ang or­der ng customer ang payo ni Justin Bonnema ng Security Awareness Company, re­search your buyer at mag-screenshot din ng mga con­versations ‘pag may time! Hindi maganda kung mag­titiwala kaagad sa buyer. ‘Ika nga, expect the unexpected. Kailangang doku­men­tado ang lahat para magsil­bing proof.

Sadyang maganda ang online business dahil puwe­de kang kumita, araw-araw at hindi mo na kailangang mapuwersang magtrabaho kung hindi mo trip. Sabi rin ni Bill Gates, “If your busi­ness isn’t on the Internet, then your business will be out of business.”

Pero, lalong dapat na mag-ingat sa mundo ng in­ternet dahil tulad ng sinabi ni Brian Solis, “Social me­dia is about sociology and psychology more than tech­nology.”

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page