Pamilya ni P-Digong, wa' bilib sa PDP-laban, kani-kanyang partido

PAMILYA DUTERTE, WALANG BILIB SA PDP-LABAN—Ang partido ni P-Duterte ay PDP-Laban, pero ang Senate President na si Sen. Vicente “Tito” Sotto III ay mula sa Nationalist People’s Coalition (NPC), ang House Speaker na si Rep. Alan Peter Cayetano ay mula naman sa Nacionalista Party (NP) bukod d’yan, ang Presidential Son na si Davao City 1st Dist. Rep. Paolo “Pulong” Duterte ay sa National Unity Party (NUP) sasali, samantalang, ang utol nitong si Mayor Sara Duterte-Carpio ay may sariling partido, ang Hugpong ng Pagbabago (HNP).
D’yan makikitang ang pamilya Duterte at iba pang kaalyado nito ay walang bilib sa PDP-Laban, boom!
◘◘◘
PANELO, MAY MALASAKIT SA CHINESE NA PINATAY, PERO SA 22 MANGINGISDANG PINOY, “NGANGA”—Naalarma si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa napabalitang pagpatay sa Chinese national na si Yang Kang sa Las Piñas City.
Buti pa ang pagpatay sa Chinese national, ikinaalarma ni Panelo, pero nang i-hit-and-run ng Chinese vessel ang bangkang-pangisda ng 22 mangingisda na muntik nilang ikamatay, ang sabi niya (Panelo), aksidente lang daw ang nangyari, buwisit!
◘◘◘
NCRPO, DA BEST KAY P-DUTERTE—Iginawad ni P-Duterte kay NCRPO Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang Best Regional Police Award dahil nagawa nitong pababain ang crime rate, nasugpo ang illegal drugs at pagkastigo sa mga scalawag at abusadong parak sa Metro Manila.
Para kay Maj. Gen. Eleazar, saludo sa iyo ang sambayanang Pinoy, palakpakan naman d’yan!





Comments