top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nakagawa ng sulat, uncle itinuro | GRADUATING STUDENT NI-RAPE NG 5, PINATAY SA LIKOD NG ISKUL

  • Jeff Tumbado
  • Aug 13, 2019
  • 1 min read

KARUMAL-DU­MAL ang sinapit ng 22-anyos na dalaga mula sa kamay mis­mo ng kanyang tiyuhin makaraang ga­hasain at patayin sa Parang, Ma­guin­danao, kamakalawa.

Natagpuan ang bangkay ng biktima na gradua­ting stu­dent sa isang bakan­teng lote malapit sa likod ng Pa­rang National High School.

Ayon kay Parang Muni­cipal Police Station Chief Lt. Col. Ibrahim Jambiran, puno ng sugat at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang bik­tima na senyales ng ma­tin­ding paghihirap ang dinanas nito sa kanyang tiyuhin at apat na iba pang lalaki.

Sinasabing sinakal at kasabay ng pagbugbog ng mga suspek sa biktima hang­gang sa mamatay.

Nabatid sa report na na­diskubre pa ng mga awto­ridad ang isang sulat ng bik­tima para sa kanyang ina na nagsasa­bing siya ay ginahasa ng kanyang tiyuhin.

Sa follow-up operation ng pulisya ay nadakip ang dalawa sa limang suspek kung saan nasawi ang isa matapos gulpihin ng taum­bayan na nakaalam sa ma­lagim na sinapit ng bik­tima.

Nagpapatuloy pa ang operasyon ng mga awtori­dad laban sa tiyuhin ng bik­tima na natukoy lamang sa alyas Amir at sa dalawa pang kasamahan nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page