Nainggit na pinag-aagawan… RAFFY KAY GERALD: ANO'NG ANTING-ANTING ANG MERON KA?!

Photo : @marieltpadilla
NAALIW kami kay Raffy Tulfo dahil talagang nakiki-ride on siya sa controversy nina Gerald Anderson, Julia Barretto at Bea Alonzo.
Recently lang ay matatandaang iniimbitahan niya ang tatlo sa kanyang radio program sa TV5 para ayusin daw ang issue ng mga ito. Ngayon ay may bago na naman siyang pahayag hinggil sa controversy.
Sa kanyang latest interview sa TV5 ay natanong siya kung ano ba ang ipapayo niya sa tatlo sakali ngang pumunta ang mga ito sa kanyang radio program.
“Well, una sa lahat, eh, dapat talaga, ‘yung pag-aari ni Petra ay kay Petra. ‘Yung pag-aari ni Maria ay kay Maria. Ok? Saka, ba’t n’yo pag-aawayan ang mga lalaki?
“Alam mo ‘yung dalawa, nakita ko sa Facebook, sa YouTube, ang gaganda nila, super-ganda. Hindi ko kayo binobola, mga girls. ‘Yun bang ‘pag nasalubong mo sila sa mall, kahit na hindi sila artista, ‘yun bang mapapalingon ka at halos malaglag ang brief mo. Kung ikaw ang lalaki, nakaka-laglag-brief,” pahayag ni Raffy.
Tila takang-taka ang broadcaster na pinag-aawayan ng magagandang babae ang isang lalaki.
“Ba’t n’yo pag-aawayan ‘yung mga lalaki? Dapat, ang lalaki ang nagkakandarapa sa inyo,” sey niya.
Natural lang naman daw na magmahal pero ulit niya, ‘yung kay Petra ay kay Petra at ‘yung kay Maria ay kay Maria.
“Hindi puwedeng gagalawin mo ‘yung pag-aari ni Petra at gagalawin mo ang pag-aari ni Maria, eh, talagang magkakaroon ng friction ‘yan, magkakaroon ng away ‘yan,” he said.
Well, as we all know, si Julia ang hinihinalang nang-agaw ng pag-aari ni Bea, who is si Gerald nga.
Ang nakakaaliw pang parte, nanawagan si Raffy kay Gerald.
“Gerald, ano kaya’ng anting-anting meron ka’t ikaw ay habulin at pinag-aagawan ng mga napakagagandang mga girls? Kung merong ganu’ng klaseng anting-anting, kahit na isang milyon pa ‘yan, sigurado ako, maraming bibili.”
Dagdag pa ng broadcaster, feeling daw talaga niya ay may anting-anting si Gerald at pa-share naman daw. Hahaha!
Nagbigay din ng mensahe si Tulfo kay Gerald.
“Ikaw, Gerald, napakasuwerte mong tao. Dapat, magdasal ka palagi kay Lord, na dapat ika’y mabait at hindi ka kukunin, para patuloy ka pa ring maraming nagmamahal sa ‘yo,” ang mensahe ni Raffy kay Gerald.





Comments