Multa at kanselasyon ng certificate sa taxi na may sirang metro

Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung mayroon bang kaukulang parusa kung ang taxi ay mayroong depektibo o sirang metro? — Julia
Dear Julia,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Part IV (13) ng Department of Transportation and Communications- Joint Administrative Order No. 2014-01 o mas kilala bilang “Revised Schedule of Fines and Penalties for Violations of Laws, Rules and Regulations Governing Land Transportation” kung saan nakasaad ang parusa sa mga taxi na may depektibong metro, ito ay ang mga sumusunod:
IV. VIOLATIONS IN CONNECTION WITH FRANCHISE
TYPE OF VIOLATION / PENALTIES
13. Fast, tampered, defective taximeter or operating without or with an old seal taximeter (TX only)*
1st Offense - fine of P5,000 •2nd Offense - fine of P10,000 and impounding of unit for thirty (30) days •3rd and subsequent Offenses - fine of P15,000 and cancellation of Certificate of Public Convenience (CPC) where the unit is authorized.
Sang-ayon sa nabanggit na alituntunin, ang kaukulang parusa ng taxi na mayroong depektibong metro ay P5,000 para sa unang paglabag habang P10,000 at pag-impound ng taxi para sa ikalawang paglabag at P15,000 at pagkansela ng Certificate of Public Convenience (CPC) ng taxi para sa ikatlo at susunod pang paglabag. Bukod pa rito ay mayroon ding kaukulang parusa kung mabilis o tampered ang metro o kung ang taxi ay walang metro o mayroong old-seal na metro.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments