top of page

Mga sintomas ng atake sa puso

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 13, 2019
  • 1 min read

Dr. Shane M. Ludovice Sabi ni Doc

Dear Doc. Shane,

Ang tatay ko ay 67 years old, marami na si­yang nararanasang pag­ba­bago sa kanyang edad, partikular sa kanyang kalusugan. Anu-ano ba ang mga sintomas ng atake sa puso? Ito kasi ang ikina­matay ng tiyuhin namin kaya nababahala kami sa madalas na idinara­ing ni tatay na panini­kip ng dibdib. — Virgie

Sagot

Ang atake sa puso o heart attack (medical: myocardial infarction) ay isa sa mga karaniwang sanhi ng pagkamatay sa buong mundo, maging sa Pilipinas. Ang sanhi nito ay ang kakulangan ng suplay ng dugo sa puso na nagdu­dulot sa pagkamatay ng laman (muscles) nito.

Ang puso ang nagsi­sil­bing bomba na nagsusup­lay ng dugo sa buong katawan ngunit, tulad ng alinmang bahagi ng katawan, ang puso ay nangangailangan ng tuluy-tuloy na suplay ng oxygen upang manatiling guma­gana. Kapag ang ugat na nagsusuplay ng dugo sa puso (coronary arteries) ay nabarahan ng taba at sobrang cholesterol at kulang na ang dugong dumadaloy sa puso, unti-unting mamamatay ang kalamnan nito hanggang sa manghina at maaaring tuluyang bumigay at ito ay puwedeng maging sanhi ng pagkamatay.

Narito ang ilan sa mga sintomas ng atake sa puso:

  • paninikip ng dibdib

  • gumagapang ang pana­nakit sa leeg, batok at mga braso

  • pagpapawis, pagsu­suka at pagkahilo

  • panghihina ng kata­wan at hirap sa paghinga

  • iregular o mabilis na pagtibok ng puso

  • panlalamig ng kata­wan

  • pakiramdam na parang nasasakal

Gayunman, ang mga sin­tomas na nabanggit ay maa­aring maramdaman at tuma­gal ng 30 minuto o higit pa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page