top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Mga kongresista, maka-Diyos... Diyos porsiyento!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 13, 2019
  • 1 min read

IBINABALA na ang walang patid na pag-ulan.

Ang tawag d’yan ay “siyam-siyam”!

◘◘◘

NGAYONG panahon ng tag-ulan, uso ang sakit at isang klase ng herbal ang ipinapayo ng mga matatanda.

‘Yan naman ang “pito-pito”!

◘◘◘

INIHATID na sa huling hantungan noong Sabado ang labi ni Pareng Ariel Dim Borlongan tungo sa Dakilang Lumikha.

‘Ika nga ni Pareng Ariel nu’ng nabubuhay pa, “una-una” lang ‘yan!

◘◘◘

MARAMING pulitiko ang hindi natin malaman kung nasaan ang loyalty.

‘Yan naman ang “doble-kara”!

◘◘◘

BUWAN ng Bayani ngayon at ibinunsod ang rebolusyon ng tatlong dyornalistang sina Graciano Lopez- Jaena, Mariano Ponce at Marcelo de Pilar.

Sila ang orihinal na “trilohiya”!

◘◘◘

BAGAMAN, napatunayang bilog ang mundo, may mahirap ipaliwanag na maaaring magpatunay na “mas kuwadrado ito” taliwas sa ibang paniniwala.

Ang daigdig ay “may apat na sulok” hilaga, silangan, timog at kan­luran kaya paano ito naging bilog?

◘◘◘

PINAKA-POPULAR na laro sa Pilipinas ang basketball, bakit?

Sapagkat ito ay “limahan”!

◘◘◘

BATAY sa numerolohiya, ang buntalang “Venus” ang umiiral sa numero sais, bakit?

Sapagkat ayon sa mga Bisoy, ito ay number “sex” (six)!

◘◘◘

ANO raw ang paborito kong sayaw?

Sabi ko ay “otso-otso”!

◘◘◘

HINDI totoong korup ang Kongreso dahil naniniwala sila sa “diyos”.

Panata nila ay: “diyos-porsiyento”.

Patunay na ang buhay ay malinaw na “de-numero”!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page