top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Lola dedo sa landslide

  • Jeff Tumbado
  • Aug 13, 2019
  • 1 min read

ISANG 72-anyos na lola ang nasawi habang nasa kri­tikal na kondisyon ang kan­yang apo makaraan silang matabunan ng gumuhong lupa sa Benguet.

Naitala ang insidente alas-10:00 ng gabi ng Linggo sa Bgy. Upper Cotcot, Bu­guias.

Kinilala ang nasawi na si Gloria Rolando Langawan.

Ginagamot naman sa Lutheran Hospital ang kan­yang apong si Ben Rafael, 10.

Ayon kay Police Chief Master Sergeant Rogelio Pedro, natutulog ang mga biktima sa kanilang bahay nang mangyari ang pagguho.

Dead-on-arrival ang bik­tima habang agad namang nasagip ang bata ng ilang mga residente at rescue unit.

Maliban sa Buguias, na­kapagtala rin ng ilang mga in­sidente ng landslide sa Bo­kod, Benguet.

Nabatid na 19 katao ang inilikas sa mga pagguho ng lupa at dalawang bahay ang napinsala sanhi ng malalakas na pag-ulan dahil sa hagupit ng Habagat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page