LASHES, NAGPAKABOG VS. SAVIO SA D-LEAGUE
- BULGAR

- Aug 13, 2019
- 1 min read

PINATAOB ng Asia’s Lashes Tomas Morato ang Nailtalk-St. Dominic Savio, 77-62, kahapon upang umangat pansamantala sa ikalawang puwesto sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Nagposte si Jhygruz Laude ng 16 puntos, 6 rebounds, 5 assists at 3 steals off the bench, upang pamunuan ang nasabing panalo ng Soldiers.
Sinundan siya nina Rickson Gerero na nagposte ng 10 puntos at 4 rebounds, at Francis Camacho na nagtapos ding may 10 puntos.
Nagsalansan din ang Asia's Lashes ng 31 puntos sa third period na nagresulta sa 57-42 bentahe buhat sa 26-32 pagkakaiwan matapos ang unang dalawang frames.
“Sinabihan ko sila sa dugout na i-execute ang play namin kasi bine-breakdown kami,” pahayag ni coach Alvin Grey. “Iniisip nilang mahina ‘yung team na kalaban namin, pero lahat dito ay competitive.”
Nagtala si Cameroonian big man Rudolph Mienlam ng 15 puntos, 11 rebounds at 2 blocks, para manguna sa natalong Nailtalk-Savio, na nanatiling walang talo matapos ang tatlong laro. (VA)





Comments