top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Isa pa sapol | 2 BATANG CITY JAIL NIRATRAT, UTAS

  • Mylene Alfonso
  • Aug 13, 2019
  • 1 min read

TODAS ang dalawa ka­tao habang isa ang sugatan na pawang mga miyembro umano ng Batang City Jail (BCJ) makaraang pagba­barilin habang nasa loob ng barung-barong, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Manila.

Dead-on-the-spot sina Her­win Tribidino, 19, ng Baseco Compound, Port Area at Allan Bautista, 19, helper, ng Temporary Housing, Aro­ma Compound, Tondo, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kata­wan.

Ginagamot naman sa Gat Andres Bonifacio Me­morial Medical Center si Reynaldo Delposo, 18, ng Ba­seco Compound, Port Area, dahil sa tama ng bala sa likod.

Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, alas-4:00 ng madaling-araw habang nasa loob ng barung-barong sa Building 15, Temporary Housing, Aroma Com­pound, ang mga biktima at natutulog nang may kuma­tok.

Pinagbuksan umano ni Bautista ang kumakatok pero, bigla na lang silang pi­nag­babaril saka agad na tu­ma­kas, kasama ang isa pang la­laki na nagsilbi nitong look­out.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng sus­pek at motibo ng krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page