top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

FINAL STRETCH NA SA PSL, IBIBIGAY NA ANG LAHAT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 13, 2019
  • 2 min read

MALOLOS CITY – Nag-iinit na ang karera para sa pinag-aagawang 3rd spot sa oras ng pakikipagbakbakan ng Foton at Cignal sa kani-kanilang mga karibal sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa pagbabalik ng laro sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos City.

Haharapin ng Tornadoes ang wala pang panalong Marinerang Pilipina ng 4:15 p.m. habang ang HD Spikers ay babanat sa naghahabol na F2 Logistics sa 7 p.m. na main game ng prestihiyosong women’s club tourney.

Matapos yumuko sa Petron Blaze Spikers sa nakaraang Spike On Tour sa Corpus Christi Gym sa Cagayan de Oro City noong nakaraang weekend, nagawa ng Foton na makapatas ang Cignal sa 4th spot sa bisa ng 7-6 win-loss card.

Gayunman, ang Blaze Spikers ay nanatili sa tuktok ng team standings sa bisa ng 13-1 win-loss card habang ang erstwhile-unbeaten F2 Logistics ay bumubuntot sa 2nd spot sa kartadang 11-2 marka na tinalo sa bisa ng 5-setback ng PLDT Home Fibr noong Sabado.

Solo na ang Generika-Ayala sa 3rd spot sa kartadang 8-6 panalo-talo upang pakabugin pa ang Foton at Cignal sa standings sa pagpasok ng liga sa final stretch ng double-round preliminaries kung saan ang top team ay haharapin ang No. 8 at ang no. 2 ay kontra sa No. 7 habang ang no. 3 ay babanat sa No. 6 at ang no. 4 ay kontra sa No. 5 sa sudden-death quarterfinals.

May maganda pang tsansa ang HD Spikers para iselyo ang 3rd spot dahil sa paangat na quotient at panalo kontra Cargo Movers para humalo sa quarterfinal showdown sa PLDT na nakaupo sa 6th spot sa 6-8 record.

This is our best and only chance to get the third spot so we have to give our all,” ayon kay Cignal head coach Edgar Barroga na tiyak na sasamantalahin ang mababang morale ng Cargo Movers kasunod ng back-to-back na pagkatalo sa Blaze Spikers at Power Hitters.

Samantala, pahirapan sa Tornadoes ang 3rd spot. Kailangan nilang talunin ang Lady Skippers at ipanalangin para sa Cargo na dominahin ang HD Spikers. Ang magkapatid na sina Dindin Manabat at Jaja Santiago na bumanat ng 31 at 26 puntos laban sa Petron ang aasahan para sa Foton na target ang 3rd title sa torneo. (MC/VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page