Babala: 4 transgender na miyembro ng himas bukol gang, mga lalaking ma-el, ang binibiktima at ninana
- BULGAR

- Aug 13, 2019
- 2 min read
MGA ka-BULGAR, kapag nakakita kayo ng mga “babae” at sinalubong kayo sabay bati ng kung anu-anong magagandang salita, mag-ingat kayo dahil isa itong modus o raket ng mga nagpapanggap na “babae” pero mga lalaki pala at nakaistambay sila sa mga hotel at mall para kayo ay pagnakawan.
Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Investigation Section MPD-GAIS ang biktima ng apat na “kababaihan” na miyembro ng Himas Bukol Gang para magsampa ng reklamo.
Dahil nakababahala ang ganitong mga pangyayari, nagtalaga si P/Capt. Francisco Cruz, hepe ng MPD-GAIS ng kanyang kapulisan at tagumpay na nasakote nina PSMS Bayron Orate at PSSG Rhafael Rodriguez, mga on-case, sina Mark Jason Cortez alyas Precious, Ricardo Dagohoy Brillantes alyas Rica at Joemar Abelda Cadag alyas Rea at Romnick Vinzon y Salamedra.
Sa imbestigasyon nina PEMS James Poso at PSSG Dean Mark Regala, inamin ng mga suspek ang modus nilang kaibiganin ang natipuhang biktima at agad hihimasin ang mga maseselang bahagi ng katawan ng lalaking target nila hanggang sa ma-distract o mawala sa katinuan at du’n na agad nanakawin ang cellphone, alahas at wallet ng kaawa-awang biktima.
Mga suki alam n’yo na, ha? Huwag basta kakagat sa “magagandang babae” na sumasalubong sa inyo para magpakilala dahil ang mga hinayupak na ito ay mga lalaki talaga at front lang nila ang pagiging “babae” dahil transgender sila na ang motibo ay nakawan at perhuwisyuhin ang biktima.
Samantala, kinasuhan ng theft ang mga nahuling suspek na sa unang tingin, aakalain mo talagang “babae” ang mga lalaking ito, pwe!
Ikaw kaibigan, ano ang sey mo?
Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!
Ligtas ang may alam!
Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!





Comments