6 kulong sa shabu
- M. Santos
- Aug 13, 2019
- 1 min read

ANIM na hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang 21-anyos na dalaga ang arestado sa buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Navotas City.
Ayon kay Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas, alas-6:30 ng umaga nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PLt. Eric Roxas ang buy-bust operation sa koordinasyon sa PDEA kontra kay Ernesto Valle alyas Onyok, 50, sa Area 1, Bgy. Dagat-Dagatan NBBS.
Agad sinunggaban si Onyok matapos tanggapin ang P300 marked money mula kay PCpl. Leopoldo Lumbang, Jr. na umaktong poseur-buyer at narekober sa kanya ang buy-bust money at isa pang sachet ng shabu.
Arestado rin sa operasyon sina Philip Ongsitco, 40, truck driver; Mary Jane Bourlaos, 21, at Melchor Castro, Jr., fisherman, matapos makuhanan ng tig-isang sachet ng hinihinalang shabu.
Nauna rito, timbog din ang magkaanak na sina Raymart Buenaventura, 25, at Percival Buenaventura, 35, matapos magbenta ng shabu kay Pat. Jose Flores na nagpanggap na buyer sa buy-bust operation sa Cadoring St., Bgy. BBN, alas-3:00 ng madaling-araw.
Ani SDEU Investigator Jaycito Ferrer, narekober sa mga suspek ang P300 buy-bust money, P200 bill at dalawa pang sachets ng hinihinalang shabu.





Comments