top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Negang-nega dahil kina Bea at Julia… HIRIT NI GERALD: SANAY NA AKO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 12, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

NANANATILING positibo pa rin ang aktor na si Gerald Anderson sa kabila ng kontrobersiyang kina­kaharap niya ngayon.

Ito’y matapos pagpiyestahan sa social media ang hiwalayan nila ni Bea Alonzo at ang pagkakadawit ni Julia Barretto bilang third party.

Isa sa mga nakatulong kay Gerald ay ang ginawa niyang military training para makalimot sa kanyang problema.

Sumailalim kasi si Gerald sa 3-day military training course para maging army reservist na inilarawan niya bilang ang tatlong pinakamahirap na training na pinagdaanan niya sa kanyang buhay.

Kuwento ni Gerald, “Bet­ter now! Malaking bagay ‘yung training, malaking bagay na nalagay sa pers­pective ‘yung mga bagay-bagay.”

Positibo pa rin ang aktor sa kabila ng mga problemang kanyang kinakaharap.

Aniya, “Sa dami ng neg­ativity, alangan naman na maging negative pati ako, ‘di ba? The only way to fight neg­ativity is to be positive and with positive thinking, positive vibes and doing something positive also. Siyempre, ma­rami nang negative energy and when you channel that in a right way, may magagawa kang mabuti. So, ang goal ko, to come out a better man, better person.”

Aminado si Gerald na apektado ang mga taong malalapit sa kanya dahil sa kon­tro­bersiyang kinakaharap ngayon.

Siyempre, but more than me is ‘yung mga tao sa paligid mo, ‘yung mga mahal ko sa buhay, ang pamilya ko, ‘yun ang mas masakit, eh. Kasi kung ako lang, okay lang, sanay naman na ako, pero mahirap pati ‘yung pamilya mo,” pahayag nito.

“Just like anybody else, kapag may challenge na darating sa buhay mo, laging may natututunan tayo, eh. Ang pinaka­importante roon is, we learned something from all of these,” ang naging sagot ng aktor sa mga bagay na natutunan niya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page