top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Madlang pipol, ubos na ang pasensiya sa eksperimento ng MMDA

Ryan B. Sison
Aug 12, 2019
2 min read

ISANG linggo nang nagtitiis ang mga kom­yuter at motorista na apektado ng eksperimento sa EDSA o dry run ng yellow lane policy at provincial bus ban.

Umani ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga pasahero, motorista at netizen kung saan batay sa social media posts ng mga pasaherong nakaranas ng matinding trapik, maituturing umanong anti-commuter, anti-poor at kalbaryo ang dinaranas nila mula nang ipinatupad ito.

Sa kabila ng mga batikos, naninindigan ang Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na ipagpapatuloy nila ang yellow lane policy.

Hirit ng MMDA, kawalan ng disiplina ng mga motorista, partikular ng mga city bus dri­ver ang sanhi ng masikip na daloy ng tra­piko sa EDSA at kung matututong magbigayan ang mga ito, hindi magiging masikip ang yellow lanes.

Samantala, hiling ng Palasyo sa mga pasa­hero at motorista, kaunting pasensiya pa, pero ang hirit ng mga ito, paano pa sila magpapa­sensiya kung trabaho at pag-aaral na nila ang naaapektuhan ng eksperimentong ito?

Bagama’t, nakikita natin ang pagsisikap ng MMDA na masolusyunan ang mabigat na trapiko sa bansa, dapat ba talagang magkaubu­san ng pasensiya o baka puwede namang magbigayan para sa ikabubuti ng lahat?

Sa totoo lang, magiging epektibo ang hak­bang na ito para masolusyunan ang problema sa trapiko kung magiging disiplinado ang mga dumaraan dito kung saan hindi lamang dray­ber ang dapat punahin kundi maging tayong mga komyuter din.

Huwag na tayong magsisihan dahil hindi ito nakatutulong. Sa halip, maging disiplinado tayo para mabawasan ang problema sa trapiko.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page