Kaso at multa sa mga hindi naglalagay ng ‘no smoking’ signage sa loob ng jeep

Dear Chief Acosta,
Mayroon bang kaukulang parusa kung walang nakalagay na “no smoking” signage sa loob ng dyip? — Ross
Dear Ross,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Part IV, (12) ng Department of Transportation and Communications- Joint Administrative Order No. 2014-01 o mas kilala bilang “Revised Schedule of Fines and Penalties for Violations of Laws, Rules and Regulations Governing Land Transportation” kung saan nakasaad ang parusa sa mga pampasaherong dyip, bus o UV Express na walang nakalagay na “no smoking” signage, ito ay ang mga sumusunod:
“IV. VIOLATIONS IN CONNECTION WITH FRANCHISE TYPE OF VIOLATION / PENALTIES
12. Failure to display “No Smoking” signage and/or allowing personnel or passenger to smoke inside the vehicle·
1st Offense - fine of P5,000·
2nd Offense - fine of P10,000 and impounding of unit for thirty (30) days ·
3rd and subsequent offenses - fine of P15,000 and cancellation of Certificate of Public Convenience (CPC) where the unit is authorized
Sang-ayon sa nabanggit na alituntunin, mayroong kaukulang parusa ang pampasaherong dyip kung walang nakalagay na “no smoking” signage sa loob nito. Bukod pa rito ay mayroon ding kaukulang parusa kung ang mismong drayber o pasahero ay pinayagang manigarilyo sa loob ng dyip.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments