Grade 1 ni-rape ng delivery boy

KULONG ang 28-anyos na delivery boy matapos ireklamo ng panghahalay sa 12-anyos na Grade 1 Special Education (SPED) student na kanyang kapitbahay sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang suspek na si Garry Boy Garcia, ng Bgy. NBBN na positibong kinilala ng biktima na itinago sa pangalang ‘Riza’ na nanghalay sa kanya noong August 6.
Alas-11:00 ng umaga, nakatayo ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang alukin ng suspek ng pera upang sumama sa kanyang bahay at pagdating sa loob ay sinabi ng lalaki na ibibigay ang pera kung makikipagtalik ito sa kanya.
Makalipas ang tatlong araw, napansin ng kanyang ina ang biktima na tila balisa at kinakabahan hanggang sa magsumbong ito.
Humingi ng tulong sa pulisya ang ina ng biktima na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.





Comments