top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

GILAS, ANGAT SA 3RD PLACE NANAIG ULIT SA IVORY COAST

MC/Alvin Olivar/
Aug 12, 2019
2 min read

PAGKATAPOS ng kanilang hindi inaasahang pagkatalo sa kamay ng Congo, bumawi ang Gilas Pilipinas at ginapi ang kapwa FIBA World Cup campaigner na Ivory Coast, 73-63 kahapon ng umaga sa bansang Espanya.

Dahil sa panalo, tuma­pos na pangatlo ang Gilas sa 4-team pocket tournament na 2019 Torneo de Malaga.

Nanguna si Robert Bolick sa panalo matapos magposte ng 19 puntos mula sa 5-of-8 shooting sa field, 8-of-8 clip sa charity lane at 7 rebounds. “We’re all comfortable because we are all given freedom within his (coach Yeng Guiao’s) system,” wika ni Bolick. “It feels good to play because there is no pressure.”

Mistulang naka­bawi rin ang Gilas sa masak­lap na sinapit nila sa Congo, 71-82, na naging dahilan upang hindi sila magtagpo ng world No. 2 Spain sa pocket tourna­ment. Una nang tinalo ng Spanish squad na pinangu­nahan ni Marc Gasol ang Ivory Coast, 79-62.

Naging katuwang ni Bolick si Andray Blatche sa ginawa nilang pagtapos sa laro.

Natapyasan ng Ivory Coast sa lima ang double digit na bentahe ng Gilas, patungo sa huling minuto ng laro, pero naitaas itong muli ni Blatche sa pamamagitan ng dalawang freethrows bago tuluyang sinelyuhan ni Bolick ang panalo sa ipinukol nitong 3 points. Gumamit ulit ang Gilas ng nine-man rotation dahil patuloy na nagpapagaling si Gabe Norwood sa natamo nitong mild groin strain. Nagtapos si Blatche na may tig-18 puntos at rebounds habang nag-ambag sina Japeth Aguilar at Paul Lee ng tig-9 puntos.

Pinamunuan ni Deon Thompson ang world no.64 Ivory Coast na kabilang sa Group A ng 2019 FIBA World Cup sa itinala nitong 20 puntos at 11 rebounds. Babalik ang tropa ni coach Yeng Guiao sa Pilipinas sa Martes para sa huling dalawang linggo ng kanilang paghahanda para sa FIBA World Cup bago tumu­lak pa-China sa Agosto 29.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page