top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

1,000 kalalakihan pinagdadampot | 2 PATAY SA RAID

Mylene Alfonso
Aug 12, 2019
1 min read

PATAY ang dalawa ka­tao habang aabot naman sa 1,000 kalalakihan ang binitbit sa isinagawang Simultane­ous Anti-Criminality Law En­forcement Operation (SACLEO) ng pinagsanib na operatiba ng Philippine National Police (PNP), Ma­nila Police Sisteict (MPD) at Criminal Investigation Group (CIDG ) sa Baseco, Manila, kahapon ng hapon.

Alas-2:00 ng hapon nang salakayin ng mga awtoridad ang Baseco Compound bi­lang pagtugon sa direktiba ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na linisin ang Baseco.

Hindi pa nagbigay ng detalye sa dalawang lalaking napaslang na umano’y nan­la­ban nang tangkang bitbitin.

Ang operasyon ay pina­ngunahan ni PColonel Anto­nio Yarra.

Ayon kay Yarra, isasaila­lim sa beripikasyon ang lahat ng kalalakihan na binitbit sa basketball court. Aalamin na­man kung sangkot sa iligal na droga o may nakabimbing warrant of arrest.

Habang pauuwiin naman ang mga walang criminal record na nabitbit.

Patuloy pa rin ang ope­ras­yon ng mga awtoridad ha­bang isinusulat ang balitang ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page