‘Ika nga, “age doesn‘t matter”, besh! NANAGINIP NG AHAS NA MALILIIT; MAGKAKAGUSTO SA HINDI KAEDAD
- BULGAR

- Aug 12, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Mary ng Mary_Lo@facebook.com
Dear Professor,
Ang panaginip ko ay maliliit na ahas sa damo. Kaya lang, nanunuklaw ito, pero mabuti at hindi ako natuklaw hanggang sa nagising na ako. Ano ang ibig sabihin nito?
Salamat!
Naghihintay,
Mary
Sa iyo Mary,
Alam mo, iha, iba na ang takbo ng buhay sa mundo ngayon , lalo na sa larangan ng pakikipagrelasyon. Noon, hindi magandang magkagusto sa mas matanda o sa hindi kaedad dahil ang basehan ng compatibility noong unang panahon ay ang dapat na magkarelasyon ay magkasing-edad.
Kaya noon, kapag nagkagusto ang lalaki sa mas matanda sa kanya, sasabihin sa kanya, “ate mo na ako kaya tumigil ka!” Kapag naman ang babae ang nagkagusto sa mas matanda sa kanya, ililihim na lang niya kasi sasabihin niya sa kanyang sarili, “siya ay kuya ko na.”
Pero, iba na ang panahon ngayon dahil ang sabi, “In love, age doesn’t matter.” Kaya makikita natin na nagmamahalan ang mga taong malalaki ang agwat ng edad.
Pero, alam mo, ang tunay na dahilan ay ang katotohanang mas nakaaakit ang may edad na babae kaysa sa mga simpleng dalaga.
Mahirap paniwalaan, pero ito ay lantad na katotohanan at ang isa pang totoo, kahit pa may asawa na, ang mga may edad na babae ay sobrang nakagagayuma.
Sa ganitong dahilan, ang sabi ng panaginip, ngayon at maaaring sa hinaharap, ang nagkakagusto sa iyo ay bata pa.
Ano kaya ang mangyayari, magkaka-boyfriend ka ba ng mas bata sa iyo?
Ang sagot ay oo, pero sa huli ay magigising ka sa katotohanang mali pala o hindi tama ang sinasabing, “age doesn’t matter”.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments