Wanted na pusher, sugatan sa shootout
SOUTH COTABATO—Isang wanted na drug pusher ang sugatan nang makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Polomolok.
Kinilala ang suspek na si Kenneth Abdullah Bueno, residente ng Bgy. Rubbert sa naturang bayan.
Nabatid na lulan ng motorsiklo si Bueno at kaangkas ang hindi kilalang lalaki nang tangkain itong dakpin ng mga awtoridad, pero bigla nitong pinagbabaril ang pulisya.
Dahil dito, gumanti ng putok ang pulisya kaya tinamaan si Bueno at dahil sugatan ay dinala ito ng mga awtoridad sa ospital, samantalang, pinaghahanap na ang kasamahan nito na nakatakas sa nasabing lugar





Comments