REDMOND VS. CINDERELLA KID

MAGANDA ang karerang inilatag sa Philracom Rating-Based Handicapping System Race ngayong araw sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Magsisimula ang laban ng 2:30 p.m. kasabay ng 3 Winner Take All (WTA), 2 Pick 6 at Pick 5. Sa Race 1, kasabay ng panimula ng 1st WTA, pinapaboran ang Munich habang magandang i-forecast ang Miss Rosario at Sir Rik.
Sa Race 2 ang umpisa ng 1St Pick 5 at nakalalamang ang Hello Junior at makakalaban ang couple entry na Boundary at Picacho. Sa Race 3, magsisimula ang 1st Pick 6, magkakasubukan ang mga kalahok na Manila Boy at Ka Emong. Nakalalamang ang Dragon Fire sa mga kalaban na Yssa’s Will, Count Me In at Crystal Creek sa panimula ng 2nd WTA sa Race 4, habang magkakalaban ang Valkyrie at Artikulo Uno sa 2nd Pick 5 sa Race 5.
Sa Race 6, magkakaalaman kung mananalo ang Jarred Skywalker at Lady of Peace na simula ng 3rd WTA. Magsisilbing paratingan sa 1st WTA ang Smiling Lady at Fire Bull sa Race 7 at may kahirapan na mamili ng tatayaan sa Race 8 ngunit, iminumungkahi ang Mini Model. Ang National Pride at Clear Talk sa 3rd Pick 5.
Tatlong mananakbo ang maglalaban sa pagitan ng Indian Warrior, Stay Ready at Redmond sa Race 9. Lamang ang SkyMarshal sa mga katunggaling Summer Cruise, Lucky Saver, Tubig at Langis at Hayley Margarette. Posibleng manalong muli ang Laughing Tiger kontra Light and Shade, Dangerous Willie at Prince Jolo at itala ang Gentleman Jim at Zophany Dane sa Race 12.
Tip ni Mang Ding: Race 1 Munich (2) Miss Rosario (10) Race 2- Hello Junior (1) Entry No.3 Race 3- Ka Emong (7) Manila Boy (9) Race 4- Dragon Fire (3) Batang Rosario (2) Race 5- Artikulo Uno (10) Entry No.7 Race 6- Jarred Skywalker (10) Lady of Peace (2) Race 7- Smiling Lady (1) Fire Bull (10) Race 8- Mini Model (2) National Pride (5) Race 9- Indian Warrior (1) Redmond (7) Race 10- SkyMarshal (8) Raging War (4) Race 11- Laughing Tiger (3) Jack of Clubs (5) Race 12- Gentleman Jim (5) Zophany Dane (7) Resulta ng Karera Biyernes: Race 1 – Bottoms Up (1) 1/7/3/6/9; P5.00 WIN (1) P9.00; P5.00 FC (1/7) P11.00; P2.00 TRI (1/7/3) P13.60; P2.00 QRT (1/7/3/6) P26.60; P2.00 PEN (1/7/3/6/9) P152.20; Race 2 – Gensan Special (5) 5/6/3/7/4 P5.00 WIN (5) P22.00; P5.00 FC (5/6) P41.50; P2.00 TRI (5/6/3)P85.40; P2.00 QRT (5/6/3/7) P319.80; P2.00 PEN (5/6/3/7) P658.00; P5.00 DD (1/5) P36.00.





Comments