top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Pambato ng ‘Pinas sa Mobile Legends at Tekken, abangan

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 11, 2019
1 min read

ABANGERS tayo sa bakbakan ng mga pambato ng Pilipinas sa eSports sa 2nd Philippine Pro Gaming League (PPGL) tampok ang mga larong Arena of Valor, League of Legends, Mobile Legends at Tekken 7.

Magkakaroon ng pagkakataon ang mga naglalaro at sumusubaybay sa mga Multiple Online Battle Arena (MOBA) na mapanood ang Arena of Valor (AOV) Finals ng live sa S+A ngayong Linggo (Agosto 11) ng 10:30 a.m. at ang League of Legends (LOL) Finals sa primetime ng 8 pm. Mapapanood ang Tekken 7 Tournament Finals sa Liga ng 6 p.m.

Sinimulan noong Biyernes (Agosto 9) ang paghatid ng aksyon sa ikalawang PPGL sa iWant, kung saan may livestreaming ng semifinals ng AOV at opening round ng sikat na sikat na mobile game na Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) sa ABS-CBN. Tuloy ang Finals ng AOV, LOL, at Tekken 7 ngayong 10:15 am.

Matutunghayan ang MLBB Finals sa Agosto 17 ng 1 pm, habang mapapanood ng eSports fans ang maaksyong bakbakan sa mundo ng Tekken 7 sa Agosto 18 ng 10:30 am.

May kabuuang P1.3-M ang pinaglalabanan ng mga manlalaro sa PPGL ngayong taon. Inorganisa ito ng MET Events, ang pinakamalaking eSports events organizer sa buong Asya. Ngayong season, halos 20 manlalaro ang unang beses na tatapak sa entablado ng PPGL, isang pagpapakita ng tagumpay ng liga sa pagtulong sa mga bagong atleta sa larangan ng eSports. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page