P1 rollback sa gas

NAGTAPYAS sa presyo ng mga produktong petrolyo ang kumpanyang Phoenix Petroleum, kahapon.
Pinangunahan nito ang bawas-presyo alas-2:00 ng hapon kung saan may bawas na P1.10 kada litro ng kanilang diesel habang P0.50 naman sa kada litro ng gasolina.
Hindi naman gumalaw ang presyo ng kerosene. Ang paggalaw sa presyo ng gasolina at diesel ay kaugnay sa panibagong paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Asahan nang magsusunuran ang iba pang kumpanya ng langis.





Comments