top of page

Kalayaan sa paninirahan at pagbabago ng tirahan ng bawat isa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 11, 2019
  • 2 min read

SA ating Saligang-Batas, isa sa mga kabilang sa Katipunan ng Karapatan ay ang karapatang mabigyan ng kalayaan sa paninirahan at pagbabago ng tirahan. Ito ay nakasaad sa Seksiyon 6 Artikulo III:

“SEKSIYON 6. Hindi dapat pagbawalan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng tirahan sa saklaw ng mga katak­daang itinatadhana ng batas maliban sa legal na utos ng huku­man. Hindi dapat pagbawalan ang karapatan sa paglalakbay mali­ban kung para sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa, kaligta­sang pambayan o kalusugang pambayan ayon sa maaaring itadhana ng batas.”

Kung ating babalang­kasin ang nabanggit na karapatang kasama sa kalayaang mamili ng lugar kung saan mana­nahan o titira ay ang karapatang malayang makapaglakbay. Ang mga karapatang ito ay maaari lamang limitahan kung ipinag-uutos ng hukuman para sa kapanatagan ng bansa, kaligtasan ng bayan o kaligtasan ng kalusugan. Ang bahay ay maituturing na pribadong aspeto ng buhay ng tao.

Sa kaso ng Ople versus Torres (G.R. No. 127685, July 23, 1998) na isinulat ni Honorable dating Associate Justice Ricardo Puno, sinabi ng Korte Suprema na ang karapatang mabigyan ng kalayaan sa paninirahan at pagbabago ng tirahan ay pagkilala ng Saligang-Batas sa pagiging pribado ng mamamayan at pinoprotektahan ng batas ang nasabing karapatan. Sa nasabing kaso, sinabi ng Korte Suprema ang mga sumusunod:

“Zones of privacy are likewise recognized and protected in our laws. The Civil Code provides that “[e]very person shall respect the dignity, personality, privacy and peace of mind of his neighbors and other persons” and punishes as actionable torts several acts by a person of meddling and prying into the privacy of another. It also holds a public officer or employee or any private individual liable for damages for any violation of the rights and liberties of another person, and recognizes the privacy of letters and other private communications. The Revised Penal Code makes a crime the violation of secrets by an officer, the revelation of trade and industrial secrets, and trespass to dwelling. Invasion of privacy is an offense in special laws like the Anti-Wiretapping Law, the Secrecy of Bank Deposit Act and the Intellectual Property Code. The Rules of Court on privileged communication likewise recognize the privacy of certain information.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page