8 nadale sa rocket explosion
DEAD-ON-THE-SPOT ang lima katao habang sugatan ang tatlong iba pa matapos ang pagsabog ng rocket sa isang naval test range sa Nyonoksa.
Pagkatapos ng insidente, agad itong kinumpirma ng state nuclear company na Rosatom.
Naganap ang pagsabog nang magkaaberya ang liquid propellant rocket engine na kanilang ginagamit.
Kasalukuyang nilalapatan ng lunas ang tatlong trabahador na nagtamo ng sugat sa naturang lugar.
Ang Nyonoksa site kung saan naganap ang insidente ay regular na ginagamit sa missile system tests ng Russian navy kasama ang sea-launched intercontinental ballistic missiles, cruise missiles at anti-aircraft missiles.





Comments