top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

13 GINTO, DINAKLOT NG PINOY SA ASIA YOUTH CHESS

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Aug 11, 2019
  • 2 min read

NAKOLEKTA ng Pilipinas ang pinakamataas na bilang ng ginto sa bakbakang standard chess, rapid at blitz sa pagbaba ng telon ng 4th Eastern Asia Youth Chess Championship sa Asia Hotel ng Bangkok, Thailand.

Apat na mga trono sa standard chess ang inangkin ng mga kabataang may suot ng tatlong kulay ng bansa. Ito’y sina Al-Basher Buto na nangibabaw sa Boys Under-10; Chester Gladimir Romero na nagwagi sa Boys Under-12; ang Dalagitang si Ruelle Canino ay kuminang Sa Girls U-12 habang walang tumalo kay International Master Daniel Quizon sa grupo ng Boys U-16.

Hinatak din ni Quizon ang mga kababayang sina Michael Concio Jr. (segunda) at FIDE Master Alekhine Nouri (pangatlo) sa pagwalis ng podium sa naturang grupo.

Ganito ring dami ng ginto ang nahablot ng delegasyon sa Rapid Chess sa tulong nina Buto (Boys U-10), Srihaan Poddar na humatak kay Lemuel Jay Adena sa isang 1-2 finish ng mga kabataang Pinoy (Boys U-12), Eric Labog Jr. na kuminang sa isang 1-2-3 wind-up ng Pilipinas (Boys U-18) dahil pumangalawa sa kanya si Concio at pumangatlo si FM Stephen Rome Pangilinan habang si Maria Elayza Villa ang nanguna sa 1-3 showing ng Pilipinas matapos masikwat ni Jerlyn Mae San Diego ang huling upuan sa podium ng G-16 & G-18.

Sa pambungad na sagupaang blitz, umusok ang arangkada ng mga kinatawan ng bansa dahil sa pagiging kampeon nila sa limang kategorya. Ang listahan ay binubuo nina Mark Jay Bacojo (Boys U-14); Quizon (Boys U-18); Franiel Angela Magpily (G-10); Woman FM Allaney Jia Doroy (G-16 & G-18) at Canino (Girls U-12).

Sa kaso ni Canino, malinis na kartadang siyam na panalo sa siyam na rounds ang kanyang nairehistro. Sa kabuuan, 13 ginto ang naangkin ng mga kinatawan ng Pilipinas. Anim dito ay nasa kamay ng mga double champions na sina Buto (Boys U-10 Standard at U-10 Rapid), Quizon (Boys Standard U-16 at Blitz U-18) at Canino (Girls U-12 Standard at U-12 Blitz).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page