Wanted na rapist arestado
Pabs Hernandez III
Aug 10, 2019
1 min read
BATANGAS CITY—Isang wanted na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Dela Paz Proper.
Ang suspek ay kinilalang si Jessie Acuña, residente sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na dinakip ng pulisya si Acuña sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Oriental Mindoro.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin ito ng mga awtoridad sa kanyang hideout.





Comments