WALANG PASMA SA U.S. 10-BALL SINA ORCULLO AT DE LUNA
- Eddie M. Paez Jr.
- Aug 10, 2019
- 1 min read

NAPANATILI nina Dennis Orcullo at Jeffrey De Luna ang kani-kanyang posisyon sa grupo na malinis ang kartada sa ginaganap na 2019 U.S. Open 10-Ball Championship sa palaruan ng Griff’s sa Las Vegas, Nevada.
Muling nasaksihan ang pormang nagbigay kay Orcullo ng world championship nang padapain niya si Canadian John Morra sa iskor na 9-5 at si US hopeful Jimmy Henry, 9-4, sa tunggaliang magkakaloob ng halagang USD 84,000 sa mga makapapasok sa winners’ circle.





Comments