top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

SA MASUNGIT NA PANAHON, NCAA GAMES, KINANSELA ULI

  • A. Servinio
  • Aug 10, 2019
  • 2 min read

MAGSASALPUKAN ngayong araw ang dalawang pinakamatindi at makasaysayang mag karibal sa 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA), ang defending champion San Beda University at Colegio de San Juan de Letran, simula 2:00 p.m. sa Cuneta Astrodome. Susundan agad ito ng tapatan ng season host Arellano University at Mapua University sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Gagawin ng Red Lions ang lahat para pahabain lalo ang kanilang 4-0 panalo-talo na kartada matapos ang hindi inaasahang 15 araw na pahinga dahil sa pagliban ng dalawa nilang laro noong nakaraang linggo dahil sa sama ng panahon. Siguradong gumawa ng paraan si Coach Boyet Fernandez at kanyang staff na panatilihing matalas ang mga manlalaro at aasahan nila na pumutok muli sina James Canlas Kwekuteye, Evan Nelle, Calvin Oftana at Donald Tankoua.

Masasabing mas mainit ang Knights dahil mayroon na silang limang sunud-sunod na tagumpay matapos matalo sa Lyceum of the Philippines University sa unang araw ng liga noong Hulyo 7. Itatapat ni Coach Bonnie Tan sina kapitan Jerrick Balanza, Larry Muyang, Renato Ular at Edson Batiller para matigil ang martsa ng San Beda. Napakahalaga para sa Arellano at Mapua ang makapagtala ng panalo upang makaangat mula sa ilalim ng liga. Isa pa lang ang panalo ng Chiefs sa limang laro habang wala pa ring maipakita ang Cardinals na tagumpay sa kanilang limang laro. Samantala, ipinagpaliban muli ng pamunuan ng NCAA ang mga laro kahapon dahil sa masamang panahon. Apektado ang mga laro ng College of Saint Benilde kontra Jose Rizal University at San Sebastian College laban sa Emilio Aguinaldo College sa Seniors at Juniors Division.

Sa nag-iisang laro sa Seniors Division na nakumpleto sa linggong ito, tinanggap ni Mike Harry Nzeusseu ang eksaktong pasa ni Jayson David sa ilalim upang ipasok ang bola na may 0.7 segundo sa orasan upang buhatin ang bisitang Lyceum sa panalo sa University of Perpetual Help System-Dalta, 87-85, sa “NCAA On Tour” noong Huwebes sa UPHSD Gym sa Las Piñas City. Nagtapos si Nzeusseu na may 18 puntos at 10 rebounds at sinundan siya ni kapitan Reymar Caduyac na may 15 puntos, 5 rebounds at 4 na assists.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page