top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

P5 milyong droga, nasabat

Jeff Tumbado
Aug 10, 2019
1 min read

TINATAYANG nasa P5 milyong halaga ng shabu at marijuana ang nasamsam ng pulisya sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs opera­tions sa Cebu City.

Sa bulubundukin at ta­gong lugar ng Bgy. Tagba-o nadiskubre ng mga awto­ri­dad ang nasa 11,200 ma­ri­juana stalks, kamakalawa.

Batay sa report, nasa P4.4 milyon ang halaga ng marijuana na binunot at si­nira ng mga tauhan ng City Mobile Force Company sa lugar mismo kung saan na­tagpuan ang mga ito.

Samantala, sa Bgy. La­bangon ay inilunsad naman ang drug-bust operation ng mga operatiba ng Drug En­forcement Group ng Cebu City Police Office (CCPO) na nagresulta sa pagkaka­dakip sa 23-anyos na pedi­cab driver na si Jason Dayap.

Nahulihan si Dayap ng 80 gramo ng shabu na nag­kakahalagang P500,000.

Ang naturang magkahi­walay na operasyon ng Cebu City Police ay bahagi ng ka­nilang Oplan Amazon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page