Nanlabang pusher nadedbol
Pabs Hernandez III
Aug 10, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Mangino, Gapan City.
Ang suspek ay kinilalang si Manolito Calob, nakatira sa Bgy. Dicarma, Cabanatuan City.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Calob, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Nabatid na kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay si Calob.





Comments