Kelot tiklo sa shabu
- Pabs Hernandez III
- Aug 10, 2019
- 1 min read
ILIGAN CITY—Isang 24-anyos na binata ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Centro Poblacion.
Nakilala ang suspek na si Julius Fontanilla, nakatira sa Bgy. Bagumbayan sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang sachet ng shabu, drug paraphernalias at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Fontanilla na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments