Kapag minalas, habambuhay kulong si Noynoy sa Mamasapano massacre
- BULGAR

- Aug 10, 2019
- 2 min read
NAKALIMUTAN NI SEN. PACQUIAO NA SIYA ANG NAGPASIMUNO SA PAGGAMIT SA DIYOS SA DEATH PENALTY—Sinuportahan ni Sen. Manny Pacquiao ang pahayag ni Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III na huwag nang gamitin ang Diyos sa deliberasyon ng Senado tungkol sa death penalty dahil ayon kay Sen. Pacquiao, hindi raw tama na naisasama ang Diyos sa usapin ng parusang kamatayan.
Tila yata naalog ang utak ni Sen. Pacquiao sa kaboboksing kaya nakalimutan niyang siya ang nagpasimuno sa paggamit sa Diyos sa isyung ito nang sabihin niyang suportado niya ang death penalty dahil ang Diyos daw ay hinatulan din ng kamatayan noon, boom!
◘◘◘
PAKIKIPAGKAIBIGAN NI CHINESE PRES. XI JINPING KAY P-DUTERTE, PEKE LANG? —Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, dededmahin lang daw ng China ang ihihirit ni P-Duterte kay Chinese Pres. Xi Jinping na kilalanin ang arbitrary ruling ng UN na pag-aari ng Pilipinas ang mga islang sinakop ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Kung ganu’n, peke pala ang ipinakikitang pakikipagkaibigan ni Pres. Jinping kay P-Duterte, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
TILA MAMALASIN SI EX-P-NOY SA DUTERTE GOV’T.—Tinanggal na ng Supreme Court (SC) ang TRO (Temporary Restraining Order) sa Mamasapano massacre, ibig sabihin, uusad na ang kasong ito at puwede nang sampahan ng VACC (Volunteers Against Crime and Corruption) ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide si ex-P-Noy.
Tila yata mamalasin talaga siya sa Duterte gov’t. kasi kapag napatunayang guilty siya sa kasong ito, maaari siyang makulong ng habambuhay, boom!
◘◘◘
MAYOR OLIVAREZ, MAY PLANO NA SA MGA VENDOR SA PARAÑAQUE, PERO SI MANILA MAYOR ISKO, ALAWS PA?—Sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na magtatayo raw siya ng “People’s Market” sa bisinidad ng Baclaran Church para sa mahigit 2,000 vendors na naapektuhan sa clearing operation ng city hall at MMDA sa lungsod.
Buti pa si Mayor Olivarez, may plano na sa mga nawalan ng hanapbuhay sa Parañaque City, pero si Mayor Isko Moreno, alaws pang plano sa mga vendor na nawalan ng hanapbuhay sa Maynila, tsk-tsk-tsk!





Comments