top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Interior designer na palpak ang trabaho, magbabayad sa damage sa property

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 10, 2019
2 min read

Dear Chief Acosta,

Nagpagawa ako ng bahay at kumuha ng lisensiyadong interior designer. Natapos na ang bahay ngunit, makalipas ang tatlong buwan, nasira ang bahagi ng kusina dahil sa depektibong disenyo na ginawa niya. Ayaw niyang ipagawa dahil tapos na raw ang kontrata at nai-turnover na raw niya ito sa akin. Ano ang maaari kong gawin? — Marliz

Dear Marliz,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay binigyang-linaw ng Republic Act No. 10350 o kinikilala bilang “Philippine Interior Design Act of 2012.” Ayon sa Section 35 ng batas na ito:

“The liability period for defects in the projects shall be one (1) year from final acceptance by the client. During this period, the interior designer shall undertake the repair works, at his/her own expense, of any damage to the objects arising from his/her design and/or specifications, within forty five (45) days from the time the client has issued a notification of the need to undertake repair. In case of failure or refusal to comply with this mandate, the client may undertake such repair works and shall be entitled to full reimbursement of expenses incurred therein upon demand.”

Alinsunod sa nabanggit na probisyon, sa loob ng isang taon mula sa pagtanggap ng kliyente ng natapos na proyekto, ang interior designer ang magsasagawa at gagastos sa pagkukumpuni ng anumang pagkasira sanhi ng kanyang disenyo sa loob ng 45 araw mula nang siya ay abisuhan ng kliyente. Kung sakaling tumanggi o mabigo ang interior designer na tuparin ang nasabing tungkulin, ang kliyente ay maaaring isagawa ang pagkumpuni at siya ay may karapatan sa kabayaran ng kanyang mga nagastos sa pagpapagawa.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page