top of page
Pokwang.jpg

Construction worker nabagsakan ng pader, dedo

Maeng Santos
Aug 10, 2019
1 min read

DEDBOL ang cons­truction worker mata­pos ma­daganan ng gumu­hong pader ng ginigibang gusali habang apat pa ang sugatan sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si alyas John-John habang ginagamot naman sa Caloocan City Medical Cen­ter sina Michael Geronimo, 18; Teodoro Dimatawaran, 33; Michael Delgado, 40, at Adrian Encienzo, 44.

Sa nakarating na report kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, alas-12:00 ng tanghali, ginigiba ng mga biktima ang konde­nadong gusali sa Bgy. 57 nang bumagsak ang bahagi na sementadong pader nito.

Nabagsakan ang nasawi ng mga tipak ng semento at natabunan pa habang dinala naman ang apat pang na­su­gatan sa naturang pa­gamu­tan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page