top of page
Rob Sy - Interview.jpg

‘Di lang si mister ang nakita... KAHULUGAN NG BIYENAN SA PANAGINIP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 10, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Lorna ng Lorna_Angeles@facebook. com

Dear Professor,

Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng pa­naginip ko?

Sunud-su­nod kong napanagini­pan sa loob nang tat­long gabi ang dati kong asawa at na­nay niya ka­hit hindi ko sila iniisip. Ka­salukuyan akong nasa abroad.

Naghihintay,

Lorna

Sa iyo Lorna,

Homesick ang uma­atake sa iyo, iha. Ito ang ka­dalasang pinagdara­anan ng mga napapalayo sa sa­riling bayan.

Pero, ang masayang ba­lita, lumilipas din naman ang homesick dahil ayon sa mga eksperto, nawawala ito pagkalipas ng isang buwan.

Bukod pa rito, nakatu­tulong din ang social me­dia, partikular ang Face­book upang makausap ng nasa ibang bansa ang kan­­yang mga kaanak.

Paano kung ayaw pa ring mawala ang home­sick?

Narito ang ilang very effective na mga paraan:

Una, manood ka ng ma­sasayang shows.

Mara­ming nagsasabi na ang nakapagpapasa­yang shows ay para lang sa bata dahil corny ang mga ito pero ang totoo, ma­bisa itong gamot sa home­sick.

Pangalawa, makipag-usap ka sa ating mga kaba­bayan.

Pangatlo, magbasa ka ng mga joke at hugot line.

Akala rin ng iba, wala itong pakinabang, pero sure na sure na ma­wawala ang pagka-homesick mo nang dahil sa mga ito.

Ang panghuli ay ma­hirap paniwalaan, pero ka­pag sinubukan mo, ikaw mismo ang magsasabi na madali lang talunin ang homesick.

Chocolates lang ang katapat ng pinagdaraanan mo, iha, tunawin mo ito sa bibig mo at mawawala ang lungkot mo.

Ito ang hindi nama­ma­layang dahilan kung bakit paborito ng OFWs ang mga imported chocolate.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page