top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Tulong-medikal para sa mga maralita nating kababayan, sagot ng PCUP!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 9, 2019
2 min read

ANG Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ay hindi lang tumutulong sa bawat demolisyon kundi maging sa iba pang aspeto ng pangangailangan ng mga maralitang Pilipino. Nagpapaabot ng tulong ang PCUP sa mga maralita sa abot ng kanilang makakaya.

Tanong: Sir Alvin, kung inyong mapagbibigyan, nais kong humingi ng medical assistance dahil sa aking araw-araw na gamot. Ano ang mga dapat kong ipasa para makahingi ng tulong sa PCUP? Maraming salamat po! — Jimena Sagot Ang ating tanggapan ay palaging bukas para sa mga katulad ninyong humihingi ng tulong. Mayroon tayong nakatalagang tao para sa mga humihingi ng medical assistance.

Mangyari lamang na magpunta sa aming opisina at dalhin ang inyong sulat kung saan nakasaad ang hinihinging tulong. Dalhin na rin ang mga dokumentong makapagpapatunay sa inyong kalagayan tulad ng medical abstract o hospital bill.

Agarang aksiyon ang hatid ng PCUP para sa lahat ng humihingi ng tulong. Mayroon tayong mga kapatid na ahensiyang handang tumulong sa inyong pangangailangan at doon natin ilalapit ang inyong hinaing. Magbibigay kami ng Recommendation Letter na maaari ninyong ibigay sa ahensiya para kayo ay maasikaso at mabigyan ng tulong.

Kung kilala ninyo ang area coordinator ng PCUP sa inyong lugar, maaari ninyong ipaabot sa kanila ang inyong liham para maiparating sa Central Office.

Layunin ng PCUP na hindi lamang bilang ng pamilyang apektado ng demolisyon ang maiwaksi kundi pati na rin ang mga kababayan nating maysakit. Ang maipaabot sa ibang ahensiya na kayang magbigay ng tulong ang isa sa mga nais tuparin ng komisyon.

Maaasahan ninyong ang PCUP ay palaging narito lang para magbigay ng serbisyong inyong kailangan.

Kung kayo ay mayroong katanungan, suhestiyon o ihihingi ng tulong, maaari kayong magtungo o sumulat sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City o mag-email sa pcup.media2019@gmail.com o mag-message sa ating Facebook page na @PCUPOfficial.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page