top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Sori na lang sa TV host… DEREK, ATRAS KAY KRIS DAHIL MAY ANDREA NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 9, 2019
1 min read

KUNG si Ms. Cherie Gil ay ayaw na ayaw na natatawag siyang “tita” ng mga bagets na artista, si Kris Aquino ay ayaw naman na “pino-po” ng mga artistang hindi naman nalalayo sa kanya ang edad.

Kaya naiparating niya kay Derek na sabihan ng aktor ang leading lady niya sa The Better Woman na kung ite-text siya ni Andrea Torres ay huwag nang gagamit ng salitang “po.”

So, nagte-text pala si Andrea kay Kristeta? ‘Yun nga lang, medyo na-offend lang siguro si Kris dahil may “po” si Andrea na ginamit bilang pagrespeto. Hindi naman na teen-ager si Andrea at hindi rin masyadong malayo ang agwat ng edad niya kay Kris. So, parang awkward naman kung gagamit siya ng “po” sa Queen of All Media.

Anyway, marami naman ang nanghihinayang sa pag-atras ni Derek Ramsay sa K(Ampon) movie nila ni Kris. Inisip tuloy ng ilang showbiz observers na kung walang Andrea Torres ngayon sa buhay ni Derek, hindi niya tatanggihan ang nasabing project. Baka ayaw lang daw ng aktor na magamit si Andrea para sa movie nila ni Kristeta.

Anyway, good choice and replacement naman si Gabby Concepcion para sa role ni Derek sa K(Ampon), pero tiyak, napakalaki ng talent fee ng aktor.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page