Oras ng trabaho, ilipat sa gabi para iwas-trapik!
- BULGAR

- Aug 9, 2019
- 1 min read
TUMAAS na ang tubig sa Angat Dam.
Mabuti naman!
◘◘◘
DIREKTA nang kakausapin ni P-Digong si Chinese Pres. Xi Jinping.
Sana makabalik pa siya ng ‘Pinas!
◘◘◘
NAGBANTAY ang U.S. Fleet sa Spratly Islands.
Hindi kaya may giyera?
◘◘◘
NATIGIL na raw ang jueteng.
Lintek!
◘◘◘
HINDI pa ibinubunyag ang magnanakaw sa PCSO.
As expected!
◘◘◘
MAY rigodon sa Kamara.
Huh, balasa agad?
◘◘◘
ANG pinag-uusapang matinding trapik ay tuwing rush hour lang.
Kapag madaling-araw, maluwang na ang daloy ng mga sasakyan.
Pwes, ilipat ang working hours sa gabi!
◘◘◘
ang matinding trapik sa EDSA ay mula Lunes hanggang Sabado lang.
Tuwing Linggo, magaan ang daloy ng mga sasakyan sa EDSA.
Sa totoo lang!
◘◘◘
ANONG meron sa EDSA tuwing Linggo at madaling-araw?
Ang susi para maresolba ang heavy trapik!





Comments