top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Maruming truck na nagde-deliver ng karne, lagot!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 9, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta,

Nakita kong naka­tambak lamang sa sahig ng lumang truck na wala man lamang sapin ang mga karne ng baboy na dinala sa palengke. Maaari bang maparusahan ang nagbebenta ng mga karneng ito kung mapatutunayang marumi ang truck na kanilang ginamit? — Jarrell

Dear Jarrell,

Para sa inyong ka­alaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 48 (d) ng Republic Act No 9296 o mas kilala sa tawag na “The Meat Inspection Code of the Philippines” kung saan nakasaad na:

“Section 48. Prohibited Acts. — No person, firm or corporation shall: x x x;

d) do any act while they are being transported in commerce or held for sale, which is intended to cause or has the effect of causing such articles to be adulterated or misbranded;” (Binigyang-diin)

Sa proseso ng pagdi-deliver at pagbebenta ng mga kinakaing karne, malinaw na ipinagba­bawal ang paggawa ng anumang bagay na maaaring magdulot ng pagkakaroon ng adulterated meat o mga karneng marumi na nakasasama sa kalu­sugan kung kakainin. Samakatwid, maaaring mapanagot ang nagbe­benta ng nasabing mga karne kung mapatutu­nayang marumi ang ginamit na truck sa pagdi-deliver nito.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais na­ming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkaka­intindi namin dito. Maa­aring maiba ang opinyon kung mayro­ong karag­dagang im­por­masyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasang­guni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page