Marami nang namamatay sa dengue — Digong | BALIK-DENGVAXIA, OKS

BUKAS si Pangulong Rodrigo Duterte na muling ibalik ang paggamit ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine kasunod ng idineklarang dengue outbreak sa bansa.
Ayon sa Chief Executive, hindi na nito kailangan pa ang mga dayuhan para sabihin kung ano ang kanyang gagawin.
Giit ng pangulo, batay sa anunsiyo mismo ng mga Filipino Scientist at mga doktor ay makatutulong ang mga ito sa kung ano ang kanyang dapat gawin.
“Hindi ko pa nga malaman, I have to hear… yes, I am open to the use of Dengvaxia again. Maraming patay na, it’s an epidemic. Now compare it vis-à-vis with those who died, I want to hear the words of the experts, doctors,” ani Pangulong Duterte sa panayam sa Malacañang.
“And we have enough bright people here to tell us. I do not need foreigners to tell me, my own Filipino scientists and doctors would tell me what to do. I will be guided by their announcement,” pahayag pa ng pangulo.
“Nakikita ko may epidemic, eh, so ‘yung gusto magpabakuna. Kasi ‘yung anak ko dumaan ng vaccine, eh. She had a vaccination,” saad pa niya.
Una nang inirekomenda ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin, dating Health secretary, naiwasan sana ang dengue outbreak sa bansa kung ipinagpatuloy aniya ang naturang anti-dengue vaccine.





Comments