Cardema, walang kasingkapal!

KUNG PAKAPALAN NG MUKHA, WALA NA YATANG TATALO KAY CARDEMA—Matapos ibasura ng Comelec ang nominasyon ni ex-National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema bilang representante ng Duterte Youth Partylist dahil overaged na ito, muling naghain ng bagong nominasyon ang nasabing partylist at muli, siya (Cardema) pa rin ang 1st nominee at ang 2nd nominee ay ang misis niyang si Ducielle Marie Cardema.
Kung pakapalan ng mukha ang pag-uusapan, wala na yatang tatalo kay Cardema kasi kahit 34 na ang edad niya, ipinipilit niyang “youth” pa siya at ang ginawa pang 2nd nominee ay ang misis niya, pwe!
◘◘◘
IMBES NA ‘MAPATAY’ ANG MGA ‘BUWAYA’ SA PCSO, DUMAMI PA—Noong September 2016, itinalaga ni P-Duterte sina ex-Gen. Jose Corpuz bilang PCSO-Chairman at ex-Gen. Alexander Balutan bilang PCSO-General Manager, na ayon sa pangulo, “killer” daw ang dalawang ex-generals na ito ng mga “buwaya” sa PCSO.
Ang masaklap, sa panahon nina Corpuz at Balutan sa PCSO, imbes na “mapatay” ay dumami pa ang mga “buwaya” sa ahensiyang ito, boom!
◘◘◘
MGA BFF NI P-DUTERTE, SABI NI SANDRA CAM SABIT DAW SA ANOMALYA—Ibinulgar ni Sandra Cam na may ilang kaibigan daw si P-Duterte na nakakuha ng STL franchise ang sangkot daw sa anomalya dahil hindi raw nagri-remit ang mga ito ng tamang kubransa.
Hala, talagang ang pagiging whistleblower ni Cam noon laban sa jueteng ay pinaninindigan pa rin niya hanggang ngayon.
Sinu-sino kaya sa mga “BFF” ni P-Duterte ang sangkot sa anomalya? Abangan!
◘◘◘
JUETENG NI “BEBOT” SA TARLAC, ARANGKADA NA—Dahil stop na ang operation ng STL, ang ginawa raw ng isang alyas “Bebot” ay nagpa-jueteng naman sa Tarlac.
Paging Tarlac PNP Director Col. David Nicolas Poklay, pakitokhang na si “Bebot” kasi ‘yung legal na STL, ipinatigil ni P-Duterte, tapos ang iligalistang ito, jueteng ang ipinalit, buwisit!





Comments