top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Beybi, patay sa sunog

Madel Moratillo
Aug 9, 2019
1 min read

ISANG sanggol na lalaki ang nasawi matapos tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa Cainta, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Cainta Mu­nicipal Police Station, natag­puan ng mga tauhan ng Bu­reau of Fire Protection ang bangkay ni Andrei Bro­nosa, 1 taon at tatlong bu­wang gulang, sa loob ng ka­nilang bahay matapos ma­apula ang apoy. Alas-8:22 ng gabi nang maganap ang sunog sa Bgy. Sto. Domingo.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, iniwanan lamang uma­no ng kanyang ina ang bik­tima sa mezzanine ng kani­lang bahay dahil may pinun­tahan ito saglit.

Gayunman, pagbalik ay nakitang nasusunog na ang kanilang bahay. Agad namang nakares­ponde ang mga pa­matay-su­nog ngunit, hindi na naisalba pa ang sanggol. Alas-8:44 ng gabi nang ideklara ng mga awtoridad na nasa unang alarma na ang sunog at tulu­yang naidekla­rang fire under control alas-8:53 ng gabi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page