top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

SMB, NANGATAY SA GAME 2, DOUBLE OT!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 8, 2019
2 min read

NALUSAW ang 17-point lead ng San Miguel Beer pero naging matatag sa endgame upang kalusin ang TNT KaTropa, 127-125 sa double overtime sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup finals kagabi sa Araneta Coliseum.

Tumikada si import Chris McCullough ng 32 points, 22 rebounds at pitong assists upang tulungan ang Beermen na itabla ang serye sa 1-1 sa kanilang best-of-seven battle. Ipinakita agad ng Beermen ang kanilang bangis sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang 14-point lead, 59-45 sa halftime. Sina McCullough, Terrence Romeo at Chris Ross ang nanguna sa opensa para sa San Miguel sa first half.

Bahagyang lumapit ang KaTropa sa third canto, naibaba nila sa pitong puntos ang hinahabol, 77-84 papa­sok ng fourth. Itinarak ni Troy Rosario ang 3 puntos para sa 103-101 na kalama­ngan ng TNT KaTropa sa huling 1:20 minuto ng 4th quarter. Isang puntos lang ang laman ng SMB 101-100 nang guma­law si Jayson Castro sa huling 2:23 sa makapigil-hiningang last period bago ang unang overtime game.

Samantala, nagparam­dam agad ng lakas ang Gilas Pilipinas matapos nilang pagulungin ang Congo, 102-80 sa kanilang tune-up sa 10-day training camp sa Spain, kahapon. Nagsanib puwersa sina Andray Blatche at Japeth Aguilar upang domi­nahin ng Gilas Pilipinas ang Congo. Nagtala si Blatche ng 25 points habang 22 ang inambag ni Aguilar.

Kumana naman si Mark Barroca ng 16 markers para sa koponan ni head coach yeng Guiao na gumamit lang ng 10-man lineup para sa kanilang paghahanda sa FIBA World Cup. Pina­munuan ni 6-foot-11 Blatche ang opensa ng Gilas Pilipinas sa first period para hawakan ang 32-19 bentahe bago sumali sa eksena si Aguilar. Nakahabol ng bahagya ang 82nd ranked Congo sa half­time pero humarurot ang mga Pinoys ng 31-16 run sa third period para ilayo muli ang iskor sa 84-60 papasok ng final quarter. Bumakas din sina Gabe Norwood at Matthew Wright ng tigwalong puntos para sa Gilas Pilipinas.

Walang masyadong pahinga ang Gilas dahil susunod nilang makakaharap ang Ivory Coast ngayong araw. Bukas ay tutungo ang national team sa Malaga para sa mini-pocket tourna­ment kasama ang Congo at Ivory Coast at host team Spain. (ATD)

Laro bukas: (Araneta Coliseum)

7:00 p.m. - TNT KaTropa vs San Miguel Beer

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page